BETWEEN
Tawagin mo akong juan na nag aabang na mahulog ang bayabas Sa aking bawat pag pikit nakikita ko lagi ang muka mong maaliwalas Ikaw ang mainit na kape sa aking umaga Na sa tuwing naamoy may ibang dulot na ginhawa Anghel kung maituturing ang pag baba mo sa aking makasalanang pag iisip Iniwasan kong maging demonyo baka sakaling mag bago ang ihip Mata mong singkit ang talaga sakin nag papaakit Bakit sa tuwing lumalapit Ang daming daga ang sa dibdib ko ang kumakawit Ako ay may pusong mangingisda Sa lawak ng karagatan puro kaba ang aking nakuha Nilunok ko na lahat ng aking pagmamalaki Pero wag mo sana iparamdam na sa huli pako magsisisi Sana sa una palang nabigyan na kita ng rosas Ngunit hindi ko nga pala kayang makipag bunong braso sa mga kamay ng mga oras Ikaw ang natipuhan kahit anim na kilometro ang ating agwat Ako ang mainit na araw na sa tuwing tanghali aasahang mong tapat Nang galing ako sa lugar kung saan palaging maulan Pag nag tagpo ang dalawang bilog s...