BETWEEN
Tawagin mo akong juan na nag aabang na mahulog ang bayabas
Sa aking bawat pag pikit nakikita ko lagi ang muka mong maaliwalas
Ikaw ang mainit na kape sa aking umaga
Na sa tuwing naamoy may ibang dulot na ginhawa
Anghel kung maituturing ang pag baba mo sa aking makasalanang pag iisip
Iniwasan kong maging demonyo baka sakaling mag bago ang ihip
Mata mong singkit ang talaga sakin nag papaakit
Bakit sa tuwing lumalapit
Ang daming daga ang sa dibdib ko ang kumakawit
Ako ay may pusong mangingisda
Sa lawak ng karagatan puro kaba ang aking nakuha
Nilunok ko na lahat ng aking pagmamalaki
Pero wag mo sana iparamdam na sa huli pako magsisisi
Sana sa una palang nabigyan na kita ng rosas
Ngunit hindi ko nga pala kayang makipag bunong braso sa mga kamay ng mga oras
Ikaw ang natipuhan kahit anim na kilometro ang ating agwat
Ako ang mainit na araw na sa tuwing tanghali aasahang mong tapat
Nang galing ako sa lugar kung saan palaging maulan
Pag nag tagpo ang dalawang bilog saka pa lamang aaraw
Mga ligaw na kaluluwa ang nagturo sa aking daan
Magdiriwang kami sa aking pag balik habang umaawit ng balitaw
Ako ay hihiling kay kupido na ikaw ay panain
Nang sa ganon ang puso natin ay pagisahin
Langit lupa ang laro na kung saan ako lagi ang taya
Mapagbigyan mo lamang ng isang pagkakataon lahat ay aking itataya
Bukod tangi ang liwanag mong araw sa lahat ng bituwin
Hubad ang aking diwa hindi ko narin inaaasahang ika'y maging akin